20190504 3 menor de edad sa Pangasinan na tinangay ng alon, nasagip
Philippines May 04 2019 “Other”
Dead : dead 0 or unknown Burnout : 0 or unknown Injured : injured 1 to 9
3 menor de edad sa Pangasinan na tinangay ng alon, nasagip
Updated: 2019–05–04
Nasagip ang tatlong menor de edad na kamuntikang
malunod sa dagat nang tangayin ng malalakas na alon sa kasagsagan ng
Pista’y Dayat sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ulat ni Ian Cruz sa Balitanghali Weekend nitong Sabado, sinabing malalakas ang alon sa dagat noon ng Tondaligan beach nang mangyari ang insidente.
Dahil dito, napunta sa malalim na bahagi ng dagat ang naliligong tatlong menor de edad.
Tulong-tulong naman ang mga awtoridad sa pagsaklolo sa magkakaibigan.
“‘Yung tatlong mga kabataan nakita natin na nalulunod sila ni-rescue tapos ‘yung BFP [Bureau of Fire Protection] ang naghatid sa hospital kasi dala namin ‘yung isang ambulance namin,” pahayag ni Fire Chief Inspector Georgian Pascua, Fire Marshal, Dagupan City Fire Station.
Patuloy ang pagiging alerto ng mga awtoridad sa mga baybayin, at mas naging maingat ang iba pang mga beach goer sa pagtatampisaw at paglangoy sa dagat.
“Lagi pong binabantayan ‘yung bata tapos hindi po siya pinapabayaan
lumayo tapos meron po lagi kaming dalang salbabida,” sabi ni Jam Cayabyab, isa beach goer.
Lagi ring pinapayo ng mga awtoridad na huwag lumangoy sa dagat nang nakainom, at ipinagbabawal na maligo sa dagat pagpatak ng alas-sais ng gabi. —Jamil Santos/LBG, GMA News
Web Source: The Nation