20190906 4 na magkakaanak, nasawi sa sunog sa Laguna
Philippines Sep 06 2019 “Houses”
Dead : dead 1 to 4 Burnout : 1 to 29 Injured : injured 0 or unknown
4 na magkakaanak, nasawi sa sunog sa Laguna
Updated: 2019–09–06
Apat na magkakaanak ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Cabuyao, Laguna. Ang labi ng mga biktima, nakitang magkakasama sa banyo ng bahay.
Sa ulat ng GMA News TV “Quick Response Team” nitong Biyernes, sinabi ng Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office na dakong 3:00 am nang sumiklab ang sunog habang natutulog ang mga biktima.
Tumagal lang ng 15 minuto ang sunog dahil mabilis naman itong naapula ng mga pamatay-sunog.
Pero nang buksan ang pinto ng banyo, tumambad ang mga bangkay nina Baldomero Gayol, at mga kaanak na sina Jennifer, Rommel at walong-taong-gulang na si Sophia.
Lumilitaw sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na problema sa linya ng kuryente ang posibleng sanhi ng sunog.
Web Source: The Nation